Ganda ng gising ko! Sino ba naman hindi matutuwa sa ganyan kagandang view early in the morning? Nakapag-book din ako ng room with balcony. I love it! |
When boredom strikes nga naman talaga! Been thinking for my monthly escapade. I wanna go somewhere new naman sana. Somewhere unfamiliar... or somewhere na hindi ko pa napupuntahan. Pero madalas kasi napangungunahan ako ng takot kaya in the end, doon pa rin ako sa nakasanayan. Duwag kasi ako. Ha ha.
So saan nga ba ako papunta? Eh di sa puso mo! Charaught! Back to Baguio mga kapatid! The usual. Gusto kong maramdaman ang lamig... kasing lamig ng pagmamahal niya sakin! Eeeek! Wala nga pala siyang pagmamahal sa akin.
Ano'ng ganap? Wala lang. Ginusto ko lang umakyat ng Baguio ulit. Naka-ilan na ba ako this year? daming beses na. Ewan ko ba. Malapit lang talaga ang Baguio sa puso ko. Simula bata ako pinangarap kong doon na ako mag-aaral ng college and kung pwede nga lang eh doon na din mag work kaso there were other circumstances na I had to consider lalo na at family na ang involved.
Dahil abrupt ang naging decision kong umakyat ay last minute na ako nakapag book ng room. Sa bus na ako nagbrowse ng magandang room. I wanted to try sana Hotel Veniz Session pero fully booked na. So I looked for other hotels na may room availability when I came across Venus Parkview Hotel.
May kamahalan pero di mo pagsisisihan! Pwamiz! And look, I redeemed my AgodaCash plus an exclusive discount... almost 1K din ang discount using Agoda mga besh! |
When booking online, madalas kong tingnan mga inclusions and facilities at pasok na pasok ang Venus Parkview Hotel sa shushyal na taste ko! Rain shower, check!, Balcony, check! In-Room Safe, Check! Hair dryer, check! Breakfast buffet, check! Free coffee, no free drinks food/snacks, ref and no Netflix! :(
Para sa may car, there is a parking space for hotel guests pero sa dami ng taong umakyat halos hindi na magkasya.
I booked their Executive Twin Room. May pagkamahalya mga besh! Their executive rooms yata are separate from the main building kasi they told me to proceed at the building at the back after check-in.
Proof of their concern and hospitality towards their customers I called their reception kasi ayaw mag-lock nung in-room safe nila (ayoko din naman kasing ako mapagbintangang sumira baka pagbayarin ako). Ilang beses din nagpabalik-balik ang staff nila just to fix the problem. Nung hindi talaga na-fix, they brought a new in-room safe.
Here are some pics of their Executive Twin Room with City View. :
Small lang yung room. Most of the space is occupied by these two single beds pero gandara pa rin! |
Very neat, clean, and sobrang bango ng pillows and linens. |
Quotang quota na ako sa pag-upo sa red na chair! Kung kasya lang sana sa bag ko nawala na yan dyan. |
Sobrang natutuwa ako sa red na chair. Ang susyal! |
Mirror selfie muna sa CR. Titingnan ko lang sana mga toiletries. Ha ha. May iuuwi na naman ako! Ang bango bango nung soap, shampoo and conditioner! |
Masikip yung CR pero malinis. |
Ganun na ba ako kataba? Nasisikipan ako! Ha ha. May pa-rain shower sila! |
Awkward lang kasi I booked a room with twin bed pero solo traveler ako. Pansin ko lang, mas mura mga pang-maramihang rooms compared dun sa mga Queen or King sized bed for 2 lang. Bakit kaya?
I wanted to enjoy the night sana. Bar hoping or kung merong nag ooffer ng accoustic night pero nakalimutan ko lahat yun because I booked for a full body massage and after that, nakatulog ang lola niyo! Kaloka! Pero I felt relaxed and very light ng feeling ko considering my weight!
Sunday morning nagising ako with a very beatiful view of the city. Mas maganda pa sana kung doon sa mas mataas na floor pero I'm not complaining. Ang ganda ng view overlooking Burnham Park lalung-lalo na pagkagising mo... sunrise view!
Ang sarap ng mga nakahain sa breakfast buffet. Personal favorite ko yung Chicken Tocino nila (Pasensya walang picture). And the hotel lobby yayamanin! May pa-chandelier mga besh and high ceiling!
Ang shunga ko talagang mag-picture kahit kelan! Yan lang talaga picture ng lobby sa akin mga besh. Sorry. Ha ha. |
Ang useless ko talaga. While having breakfast, hindi ko napicturan yung place kahit yung food. Ganun din when I was at the hotel lobby. Ha ha. Kahit kelan hindi ata ako papasang blogger.
I wanted to prolong pa sana my stay pero need nating magwork for our next gala next time! ...at para mahanap na din si Mr. Right. Di ko kasi siya nakita sa Venus Parkview Hotel. Nasan na kaya siya?!
It's holiday season and pabigat na ng pabigat ang traffic sa Baguio. Suggestion lang, do not bring your car pag mamamasyal. Just walk and enjoy the beautiful Baguio breeze!
Comments
Post a Comment