Aray! Hindi Kami Pinayagan sa Bus.


That's my baby Chingu. Mukhang stressed na. Sobrang init kasi nung namasyal kami sa Vigan kaya nag-ice cream muna.

Yes, mga beshy. I am a proud furparent of one Shih Tzu. I named him Chingu. Korean term for friend. Base sa nabasa ko, hindi naman daw talaga direct translation ang chingu pero kebz! Ang cute kaya ng name! (K drama pa more!)

Wala siyang masyadong kalaro. Yung isang doggo naman kasi eh mas bet maglamyerda sa labas ng house. Ang baby Chingu ko naman kasi ay sensitive sa lahat ng bagay. Madaling masugatan, madaling kapitan ng sakit kaya naman todo alaga at hanggat maari nasa loob lang ng house. Maski nga sina pudra and mudra ayaw palabasin ang baby Chingu. Kaya naman hinanapan ko siya ng partner in life. Nabanggit ko sa previous post ko na may bibilhin akong puppy sa Baguio.

Sa tinagal-tagal ng paghahanap ko, at long last nakapili din ng another baby para hindi malungkutin ang baby Chingu ko sa bahay. Ang dami kong naging condition: dapat shih tzu din, dapat kakulay ni Chingu, Princess type etc. etc. Nakahanap ako sa mga pet pages/groups na sinalihan ko sa Facebook.

So yun nga! Sobrang pinaghandaan ko talaga at napa-book pa ng hotel for my overnight stay in Baguio. [READ: First Booking: Hotel Veniz]

Ako kasi yung tipo ng taong basta makakita ng aso eh sobrang nacucute-an ako. Sign siguro ng pagiging pet lover, most especially sa mga doggos. Minsan nga iniimagine ko na kapag nanalo ako sa lotto bibili ako ng lupa at gagawin kong dog shelter. Pero magigising na lang sa katotohanang paano nga pala ako mananalo eh hindi naman ako tumataya.

Anyways, naging maayos naman ang usapan namin sa nagbebenta ng puppy. Ipinakita pa niya ang parents and mga kapatid. Myghad! Buti na lang pala isa akong hampaslupa. Walang ka-pera-pera kundi nabili ko silang lahat na magkakapatid.

I went on to buy the things needed para sa pag-uwi namin ng newest baby ko. Food, water, diapers, medicine para hindi mahilo sa biyahe. When everything's set, sinundo ko na si doggo para makauwi na kami ng Ilocos. Kampante naman ako kasi last summer, I saw posts on social media na pinapayagan na ang mga pets to travel via bus, jeepney, and other public transportation.

When we were at the terminal na nagulat ako kasi may mga requirements pa pala para mapayagang makapag-travel. Paano 'to?!

Ang strict ng Partas, besh! Kaloka sa dami ng requirements:

Paano na kaya kami makakauwi niyan? Daming requirements. *sigh*

I went to Farinas, kelangan lang daw ng letter or certification from the veterinarian na pwedeng ibyahe. Like whaaaat?! Saan naman ako maghahanap ng vet sa ngayon? Juicecolored! That was already 4:00 in the afternoon.

Halos mawalan na ako ng pag-asa. Ayoko namang iwan muna si doggo sa cousins or friends ko sa Baguio. While thinking, sabi sa akin nung guy from Farinas, "I-try niyo ho diyan... akyat na lang kayo." sabay turo dun sa katabing bus (I forgot the name). Medyo hesitant ako. Nakakahiya kung sakaling mahuli at pababain kami. Pero sabi ni kuya, "itago niyo na lang po muna"

No choice na talaga mga besh! Tingin to the left, tingin to the right, front, and back...then akyat! So far, so good. Hindi naman napansin ni kuya conductor. Di nagtagal, umandar na and palabas na kami ng Baguio.

Tago ka lang diyan baby! I put her inside my bag. Buti na lang malaki and open. Hindi kami napansin nung pinuslit ko siya sa bus.

Kuhanan na ng ticket... patay tayo diyan! Pero lakas loob pa rin kasi alangan namang pababain pa kami eh madyo malayo-layo na din kami. He he he.

Hindi naman kami pinababa, besh. Thank you Lord! Pero sinabi ko na lang na bayaran ko na lang isang seat for my doggo. Pumayag naman si kuya conductor kaya we were able to go home to Ilocos safe and sound.

Arrived home safely! Kain muna... nag-aadjust pa ang baby sa paligid.

Bantay sarado ng kuya Chingu namin! May kalaro na siya lagi.

For furparents like me, huwag niyo sana akong tularan. I know pinapayagan na mga babies natin sa mga pubilc utility vehicles na kasama or katabi natin sila while we travel pero as much as possible, inquire muna regarding the provisions. May terms and conditions pa rin kasi na dapat sundin.


SOURCE: Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB Facebook Page
Read LTFRB's Memorandum Circular No. 2019-019 here.

Have a safe travel mga ka-furparent!

Meet my baby Yanah!

Share ko na din ka-kulitan ng baby Yana namin:

At 4 months old. Mukhang alam na ng baby Yana namin ang magpa-cute.

Kinukulit si kuya na maglaro. Palibhasa hindi makaakyat.
UPDATE: Meet my babies: Chingu and Yana! Bilis lumaki pero cute pa rin.

My baby Yana enjoy sa new shirt with kuya Chingu from behind.

Comments